Miyerkules, Mayo 18, 2011

EPEKTO NG ICT

            Sa panahon ngayon, napakarami na ng mga pagbabagong nagaganap sa buong mundo. Mas lumalawak ang mga impormasyong ating natututunan. Maari na rin nating makausap ang ating mga mahal sa buhay kahit na sila ay nasa malayong lugar. Lahat na yata ng bagay ay posible sa pamamagitan ng ICT o Information and Communications Technology.
             Ang ICT O Information and Communications technology ay mga bagay na nakatutulong sa mas mabilis na paraan ng ating pamumuhay. Ang mga halimbawa nito ay computer, cellphone, internet o pwede ring dictionary. Ngunit ano nga ba talaga ang nagiging epekto nito sa ating buhay? Nakatutulong ba ito o nakakasira sa atin?
            Sa tulong ng ICT, mas napabibilis ang ating gawain kaya mas marami pa tayong nagagawa sa bawat oras na umaandar. Mabilis rin tayong nakakukuha ng impormasyon sa tulong nito. Masyado na tayong umaasa sa teknolohiya kaya hindi na natin natututunang gawin ang mga bagay-bagay. Kapag ito ay nagagamit na ng sobra o nagkakaroon ng adiksyon, maraming negatibong epekto ang maaaring mangyari. Maaaring maapektuhan ang ating kalusugan dahil sa posibleng kakulangan sa tulog, pagkain at pahinga. Pwede itong magdulot ng mga malalalang kondisyon na maipapahawak ang ating kalusugan. Isa pang maaaring mangyari ay ang kapabayaan sa ating pag-aaral.
           Pagdating sa ating pag-aaral, maraming mga gawain at takdang-aralin ang ipinagagawa sa atin ng mga guro. Para sa atin, mas mainam kung galing na lamang sa internet ang ating mga sagot at upang hindi na masayang ang oras natin sa pagsasaliksik at paghahanap ng sagot mula sa mga aklat. Pero kapag masyado na ang ating paggamit, napapabayaan na natin ang ating pag-aaral at madalas na ayong bumagsak sa ating mga asignatura. Ano ang mangyayari sa ating kinabukasan kung lagi tayong babagsak? Hindi agad tayo magkakaroon ng magandang trabaho.
          Pagdating sa mga trabaho, isang negatibong epekto na ito ang maging daan upang mabawasan ang mga manggagawa. Mas nagtitiwala ang karamihan sa kakayahan ng ICT. Pero may nagagawa rin ito upang magkaroon ng trabaho ang mga Pilipino. Nagtitiwala sa atin ang mga dayuhan dahil sa paggamit natin ng ICT sa araw-araw nating pamumuhay.
         Maraming benepisyo at neagtibong epekto ang paggamit dito pero naniniwala akong nasa kamay natin ang tamang paggamit sa ICT.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento